Monday, July 19, 2010

Happy Birthday Dories! :)

Para sa friend ko na kasundo ko sa lahat ng bagay.. as in almost everything.. mula sa pagkain, damit, at mga gusto sa buhay.. pati sa crush! (hay naku! bakit ba si Young Saeng din ang nagustuhan mo? haha)

Di ko akalain na magiging friend ko siya.. Shy, quiet and medyo tulala palagi.. haha yan first impression ko sa kanya. Nahihiya pa kong kausapin siya dati, di kasi kami close.. madalas ko lang siya makita sa katabing bus pag traffic (kahit pareho kaming taga las-pinas, di kami magkasabay nung 1st yr). Magkakawayan lang, konting ngitian.. tapos!

After quite some time, nakakasabay na namin siya umuwi. Taliwas sa first impression ko sakanya, ibang iba pala siya.. haha makulit, madaldal at mahilig sa hotness.. alam na kung saan kami pupuwesto sa LRT makakita lang ng gwapo. Paborito din niyang umupo sa dulo ng jeep, malapit sa estribo.. kung di siya matutulog, tutulala lang siya dun. Bukod pa dun, mahilig siya sa kwek-kwek! Halos every night na lang pag uwi namin, yan ang pagkain namin.

Mula ng maging ka-close ko siya, sabay na kaming pumasok at umuwi. Ihahatid siya ng papa niya gamit yung motor nila sa bahay, then lalabas na kami para bumiyahe papuntang school. Madalas din siyang tumambay sa bahay. Minsan makikiinternet, matutulog, magpapalipas oras.

Last summer, pinasok namin ang pagiging fan girl.. haha as in certified fan ng dalawang KPOP group (SS501 & UKISS). Habang nagpapakahirap kami ni Ate Raia na magdownload ng music and videos, paghingi lang ng copy ang pinagkakaabalahan niya, at USB ko pa ang gamit niya! haha

After all these years, magkaramay pa rin kami, magkakampi.. haha ngayong birthday niya, naisipan ko lang magsulat ng tungkol sa kanya.. Di ko alam kung matutuwa siya or what.. bahala siya! haha

 SAENGIL CHUKHAHAMNIDA DORIES! SARANGHAEYO! ♥

No comments:

Post a Comment